Chapter 14: SWITCHING PLACES 2
Tuesday, 8:00 a.m.
"Miah!!!!!! magtatanghali na, ang tagal mo na namang bumangon dyan." sigaw ng nanay nito kasabay ang mabigat na pagkatok sa pinto ng kanilang kwarto.
Dahil sa gulat, napabalikwas sa higaan ang dalaga at diretsong nahulog sa sahig.
"Ouch!" daing niya habang hawak ang nauntog na ulo.
"Uwaaaaaah… uwaaaaah.." iyak ng sanggol sa loob dahil sa gulat.
"Ate, iyong anak mo…nagising na rin" sabi naman ng bunso nilang si Oreo habang dinuduyan ang baby.
"Mama, kailan ba hindi magiging megaphone iyang bibig mo? Malelate na ako nito sa trabaho eh" reklamong sabi ng ate ni Miah habang ginugulo-gulo ang kanyang buhok.
"Kapag maaga nang nagising iyang kapatid mo. Alam mo bang ako na ang nahihiya sa kanyang boss dahil palagi siyang late?" nakapamewang na saad ng nanay nila habang nagsesermon.
Hindi naman ito pinansin ng tila inaantok pa na dalaga at dumiretso lang na naglakad palabas ng kwarto nila.
"Fiona, bigyan mo ako ng tubig.." tawag naman ng may sakit na tatay nila habang may ubo at medyo paos pang boses.
"Isa ka pa!" bungad ng nanay nila sabay kalabit ng kulambo.
"Iyan kasi ang napapala ng pag-iinom mo! Wala ka na kasing ginawa kundi ang maglaklak ng alak, ngayon..sino ang napeperwisyo sa pagbabantay sa iyo? ang barkada mo ba? di ba ako?" galit na sumbat nito sa kanyang asawa na nakahiga lang sa gilid.
"Huminahon ka nga Fiona"
Habang nagkakagulo sa buong bahay, may bigla na lang sumigaw mula sa banyo.
"Eew!!! what's in the kubeta?!!!"
Napalingon ang lahat kay Kiara na nagpapanggap nang si Miah, alinsunod sa naging usapan nila ng dalaga. Namumutla ito at halos masuka habang nakatingin sa bowl.
"It's so gross!" sigaw niya't halos tumalon na siya palabas.
"Miah, tigil tigilan mo nga iyang pagiging maarte mo ngayon ha?" inis na sambit ng kanyang nanay habang kumukuha ng tubig sa jar.
"Eto naman, parang hindi nakakakita ng tubol buong buhay nya." sambit naman ng kanyang ate na may pasimuno ng di niya inaasahang pagwelcome sa kanya sa umaga.
"What's...chubol?" with accent pang tanong niya dito.
"Gusto mong mahampas ng walis Miah? kanina ka pa sa kaartehan mo. Buhusan mo na iyan at maligo ka na!" galit na namang sambit ng nanay niya.
"But..how?"
"Huwag mo akong maingles-ingles Miah Yunno. Sinasabi ko sa iyo"
Dahil doon, napahawak sa sentido si Kiara. Hindi pa man nagtatagal sa buhay ni Miah, parang gusto na niyang bumalik sa mansion.
Sa kabilang banda naman, kung saan panatag na nakahiga si Miah sa napakalawak na higaan at airconditioned na kwarto….
"Good morning Ma'am, nakahanda na po ang iyong breakfast." tila pabulong na pagkakasabi ng isa sa sampu nilang katulong sa mansion.
Dahil dito, dahan-dahang iminulat ni Miah ang kanyang mga mata at kalmadong bumangon mula sa kanyang malambot na higaan.
"Good morning po yaya" sambit nito matapos magkapagstretching saglit.
"Bumaba na lang po kayo Ma'am matapos niyong maligo. Nauna na pong kumain si sir Vrix kaya kumain na rin po kayo" magalang na sabi nito bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Dahil dito, tila napapakanta si Miah habang inililibot ang kanyang paningin sa napakalawak na kwarto ni Kiara.
"Iyong kwarto niya, parang buong bahay na namin ito sa sobrang lawak" bulong niya sa sarili nang mapagtantong maswerte ang kinagisnang buhay ng dalaga kumpara sa payak na mundong kinalakihan niya.
Pumasok siya sa banyo, ang bawat hakbang ay parang paglusong sa ibang mundo. Di pa rin mawala ang kanyang pagkamangha kahit nasilip na niya ito kagabi nang magpalit na sila ng dalaga para sa misyon.
Pagbukas ng pintuan, bumungad ang mala-hotel na paliguan.
"Grabe, ang ganda ng banyo…pwede nang gawing kwarto sa luwang" sabi niya, napapailing pa habang iniikot ang tingin sa malaking salamin, modernong fixtures, at bathtub na parang infinity pool.
Napaluhod siya sa gilid ng sink at hinimas-himas ang countertop.
"Ganito pala ang buhay ng mga mayayaman?"
Saglit siyang napatingala, pilit ikinukulong ang biglaang bugso ng kanyang emosyon. Hindi niya maiwasang maisip ang pamilya niya sa isla.
"Pero teka, Miah…" sabi niya sa sarili, pilit inaalis ang kanyang lungkot na nararamdaman.
"Wala ka dito para lang humanga sa kung anong meroon sila. Magpanggap ka ng maayos, hindi ikaw si Miah ngayon….ikaw si Miss Kiara Zhi."
Huminga siya ng malalim at tumayo, pinilit niya ang kanyang sarili na isuot ang kumpiyansang kailangan upang magampanan ng maayos ang kanilang mga plano.
"Maliligo na muna ako, teka paano ba ito?" sambit niya sa loob ng banyo habang hawak ang di masyadong pamilyar na bagay sa kanya.
Matapos ang ilang minutong pagligo, lumabas na siya sa banyo. Sakto namang nagring ang kanyang smartphone na bagong bili ni Kiara sa kanya at agad niyang sinagot ang tawag nito.
"Miah….it's creeping me out! the chubol…" mangiyak ngiyak na bulong nito sa dalaga habang nasa kabilang linya.
"Ang alin?" tanong niya ulit dahil she got confused with her accent.
"Chubol, the big chunk of poop. Ayaw makuha sa bowl…I didn't know na 'yung ate mo…" hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil napapailing na lang siya sa kalagayan ng kanilang banyo, halos nanginginig pa sa pandidiri ang boses ni Kiara.
"Ikaw ba ang pinaglinis ni mama sa banyo?" tanong naman nito kay Kiara.
"Yes and I don't know what to do. I just wanted to pee, huhu"
"Naku, simple lang iyan. Ang gagawin mo lang dyan ay punuin mo ng tubig ang isang balde tapos ibuhos mo ng malakas sa bowl" sagot ni Miah na eksperto na sa ganoong sitwasyon.
"Are you sure it will work?"
"Oo naman"
"Okay, sabi mo eh…" sagot ni Kiara, huminga siya ng malalim bago inihanda ang balde.
Napaisip siya bigla.
"How about you dyaan, do you have any concerns?" tanong niya, gusto niyang malaman kung may naging issues rin sa mansyon.
"Wala naman masyado, siguro 'yung sa shower mo lang na nakakabit malapit sa bowl. Ba't masyado siyang malakas? Masakit gamitin sa balat lalo na sa mukha ko" sabi niya na walang kaalam-alam.
Nanlaki naman ang mga mata ni Kiara at napahinto siya sa kanyang ginagawa.
"Wait, are you referring to bidet?"
"Bidet? Hindi ako sigurado kung iyon nga ang tinutukoy mo, basta 'yung parang shower sa bowl" sabi ni Miah na halatang naguguluhan.
"Shooks, it's not for showering or for your face" napasapok sa noo si Kiara dahil dito.
Halos tumili na rin siya dahil sa pag-iisip kung paano niya ipapaliwanag ang gamit ng bidet na hindi masuka sa tawa.
"Eh, para saan ba iyon? Kaya pala ang sakit sa mata"
Hindi na napigilan ni Kiara ang sarili dahil tawa na siya ng tawa sa mga sandaling iyon.
"Panghugas iyon girl, hindi pang skin care!"