Chapter 10: THE APPRENTICE'S CLIENT
Maagang nagising si Miah dahil napagdesisyunan niyang tanggapin ang job offer sa kanya.
"Bah, himala't maaga ka ngayon. Saan ang punta mo?" tanong ng kanyang nanay nang maabutan siya sa may pinto na paalis na.
"May kliyente lang akong kakausapin."tipid na sabi ng dalaga habang sinusuot ang kanyang sapatos.
"Mabuti, bumili ka na rin ng gamot ng tatay mo kasi paubos na 'yung binili ko nung nakaraang araw." habilin ng nanay niya habang hawak ang maliit na planggana at bimpo na pinampunas sa may sakit na asawa.
"Sige po, ako na ang bahala dun" tapos nagmano na siya bago tuluyang umalis.
Nakasulat kasi sa papel na iniabot sa kanya kahapon ang location. Sa library ito ng Sitio Pagaspas kaya medyo malayu-layo pa ang babyahein ng dalaga makarating lang doon.
Isang oras ang lumipas.....
Agad na siyang pumwesto sa pinakasulok ng library. Dahil masyado pang maaga, bibihira pa ang mga taong andoon. Lumingon lingon siya sa paligid para mahanap ang kanyang magiging kliyente.
Ang tanging paglalarawan lang kasi patungkol dito ay ang suot nitong puting cap at black smock.
Matapos ang ilang minutong paghihintay, nakita niya rin sa wakas ang papalapit na dalaga sa kanya.
"Parang pamilyar siya sa akin" nasambit nito habang pinagmamasdan ang paglalakad nito.
"M_Miah?" agad na nasambit ni Kiara nang malapitan at magkita silang muli.
Nanlaki naman ang mga mata ni Miah dahil hindi niya inaakalan na ang magiging client niya pala ay walang iba kundi ang kanyang doppelganger.
"So...ikaw si Alpha?" tanong ni Miah kay Kiara referring to her pseudonym.
"Yes, ako nga. And it means ikaw ang apprentice ni Mr. Isla Hawk?"
(Isla Hawk is the pseudonym of Mr. Basilio)
Miah nodded yet she couldn't shake off her astonishment that very moment.
"I can't believe it! I mean, ang liit lang talaga ng mundo right?" natatawang sambit ni Kiara nang makaupo na siya't inilalatag ang mga papeles na kanyang dala-dala.
"Oo nga, pero teka lang...sino ba ang gusto mong paimbestigahan?" Miah asked, her curiosity piqued.
" At anong kaso ba iyan?" she added.
Doon na ipinakita ni Kiara ang mga nakasulat sa papeles.
"Well, it's a bit complicated and I got it from a cold case site. Actually, it's an article about a certain village"
Tiningnan ni Miah ang article na binabanggit nito at binasa niya ang nasa headline.
"The Forgotten Village?" napuno ng katanungan ang isip ng dalaga sa mga sandaling iyon. Gumagana na ang inquisitive mind nito habang binabasa ang laman ng artikulo.
"Malpractice and Tragedy....the soil once rich and fertile, started to show signs of degradation.....Crops began to fail in increasingly erratic cycles and the villagers noticed strange health problems that had never been present before..."
Sinubukang tingnan ng dalaga ang mga litrato na sumusuporta sa article na binabasa niya.
"Hindi ko alam na may ganitong kaganapan pala sa town natin but I think, someone so powerful is behind this." pagbibigay opinion ni Kiara.
Napansin ni Miah ang isang lalaki na nakasuot pa ng puting laboratory gown kasama ang mga mamamayan doon na masaya namang kinunan ng litrato.
"I think, that's the scientist" Kiara said.
"Hmm..parang may narinig na nga ako patungkol dito. Hindi ko alam kung nahawakan ni Detective Emilio ang case na ito, pero sigurado akong medyo matagal na rin itong nangyari eh"
"You're right, I think matagal na nga ito because the article was posted 3 years ago by an anonymous writer." turo nito sa papeles na hawak ng dalaga.
"Kung tatlong taon na ang nakalilipas...bakit ngayon mo lang naisipang ipaimbestiga ito? Ano bang gusto mong mangyari sana?" pagtataka ni Miah.
"Well, I can trust you right? May Code of Ethics naman kayong sinusunod di ba?" paninigurado ni Kiara habang tinatapik ang balikat ng dalaga.
"Oo..huwag kang mag-alala dahil ligtas ang mga sikreto mo sa akin" pag-aassure nito sa kanya.
"Noong nakaraang araw kasi, I tried to follow my half brother using a tracking device. And d'yan namin siya natunton sa Village na iyan." pagkukwento ng dalaga.
"Nakita niyo ba kung ano ang ginawa niya doon?"
"Unfortunately..no..."
"Eh anong nakita ninyo sa loob ng Village? May napansin ba kayong kakaiba?" tanong ng dalaga upang mapagtagpi-tagpi niya ang mga possibilities na pwedeng may kinalaman sa totoong pakay ng kapatid niya doon.
"Devastating....Sira-sira ang mga bahay except sa pinasukan ng kapatid ko" makikita sa mata ng dalaga ang eagerness ding malaman ang kaugnayan ng kapatid niya sa abandoned village na iyon.
"Dalawa lang ang naiisip kong pwedeng maging dahilan kung bakit siya andoon, una..maaring may kinalaman siya sa insidenteng nangyari noon or..... kilala niya ang may pasimuno nito. Malakas kasi ang kutob kong ang scientist na may pakana ng malpractice at kaguluhan sa nayon ay nandoon lamang at nagtatago." tapos, tiningnan niya ang picture ni Vrix.
"Siya ba ang kapatid mo?" tanong ulit nito sa dalaga.
"Yes...and I didn't know na kaya niyang itago ang lahat ng ito sa pamilya niya, sa amin.." Kiara murmured na hindi na napakinggan ni Miah dahil nakatitig na ito sa picture ng kuya niya.
"Gwapo rin pala ang kuya mo noh?" Nasambit nito kaya nakatanggap ng mahinang hampas sa balikat ang dalaga.
"Sira! Don't forget na siya ang iimbestigahan mo kaya ipagpaliban mo muna iyang self- interest mo na iyan huh?" nakangiting sabi ni Kiara kay Miah.
"Oo naman, siyempre! palaging nasa kliyente ko ang aking loyalty." tapos nagpanata pa ito sa harapan ng dalaga.
"Haha! Aasahan ko talaga iyan Miah. Kidding aside, what's your plan pala?"
"Siguro, pupuntahan ko muna ang lugar na tinutukoy mo para doon ako magsimulang maghanap ng ebidensya." saad nito.
"Well, I can help you with that.....since doon na kami galing. Pwede ka naming samahan ni Manong driver." offer na help ng dalaga kay Miah.
"Sigurado ka? Kaya ko naman pumunta doon nang mag-isa eh."
"Mas maganda kung may masasakyan ka kasi medyo malayo ang place na iyon and besides, I am really planning na bumalik ulit doon" medyo naexcite na banggit nito lalo na't mahilig talaga sa adventure ang dalaga.
"Huwag dahil masyadong delikado." alala namang pagpigil nito sa plano ng dalaga.
"Don't worry, I can protect myself" she said na walang pag-aalinlangan.
"Ganito na lang, ang mabuti pa, manmanan mo na lang muna ng mabuti ang iyong kuya tapos sabihan mo ako kung may kahina-hinala siyang ginagawa" alternative solution na naisip ni Miah para hindi mapaano ang dalaga.
Kiara paused, her smile fading into a more serious expression. Hindi kasi siya natuwa sa idea ni Miah. She really wanted kasi na iexplore ang village na iyon since it already caught her interest.
"I know you're excited about this case, Miah" Kiara finally said.
"But this isn't just a typical investigation. That village... there's something about it."
Napatingin ang dalaga sa kanya at napabuntong hininga na lamang.
"Sige, pagbibigyan kita, ngayon lang ha? magkita na lang tayo sa Sabado ng umaga, 2-0-0 Old oak." tapos tumayo na ito upang gampanan naman ang kanyang trabaho sa isla.
"Yes. I'll be there." Kiara in an excited tone of voice.